Sa bawat kumpas ng kamay sa orasan ay hudyat ng bawat pagbabagong sumusubok sa mga bagay na hinulma ng panahon. Mabilis na lumalaganap ang teknolohiya, at sa maraming aspeto ay patuloy na naiiwan ang tradisyon at kulturang nakasanayan.

Mula sa bawat indibidwal at organisasyon na tumutukoy sa kabuuan ay ang pinanggalingan ng pagbabagong nararanasan. Mga bagay na siyang bumuo sa nakalipas, mga bagay na naging parte ng kasaysayan, maliit man ito o malaki.

 

Produkto ng kasaysayan

Sa mga taong nakalipas, iilan lang ang nabibigyan ng pagkakataong gugulin ang kanyang kabataan sa pag-aaral. Karamihan sa ginagawa sa pang-araw-araw ay may kinalaman lamang sa pagsustento ng gastusin, ihahain sa hapagkainan at pagsisilbi sa pamilya ng mapapangasawa sa hinaharap na siya namang napalawig sa etravelpilipinas.com.

            Ang panahon ng pamamalagi ng mga Kastila sa bansa ang unti-unting nagmulat sa mga Pilipino sa kahalagahan ng tunay at pormal na edukasyon sa bansa. Ito ang siyang naging hudyat ng patuloy na paghahasa ng kaisipan ng mga Pilipino ukol sa mga bagay-bagay.

Di kalauna’y dumating tayo sa punto ng pagkawala mula sa mga mananakop. Ang impluwensiyang dinala ng mga ito sa ating bansa ang siyang ginamit na puhunan upang umunlad.

Nauna man ang mga dayuhan sa makabagong teknolohiya ay hindi pahuhuli ang Pilipinas sa pagsusumikap na iangat ang bansa mula sa pagiging parte ng Third World. Kabilang na rito ang paghahabol sa kalidad ng edukasyon na siyang magiging pundasyon ng mabuting kinabukasan.

 

 Mata ng lipunan

            Hindi maikakailang malaki na ang pinagbago ng ating Pamantasan kung ikukumpara ito sa panahong naitatag ito. Bagaman hindi nito kasing tanda ang iba pang eskwelahan ay hindi pa rin biro ang mga nakaraang 86 taon nito sa serbisyo.

            Sa panahon ngayon, kung siyang ipatutupad pa rin ang mga dating panukala na siyang nagpatibay sa unibersidad ay maaari o ‘di maaaring maganda ang epekto nito sa modernong Pilipinas ngayon.

            Bilang isang graduating student ay nasanay ang 4th year Advertising Arts major na si Gian Jurado, sa pamamalakad ng eskwelahan sa halos apat na taon nito sa kurso. Pero ayon sa kanya, iba siguro ang magiging kaugalian ng mga estudyante kung sakaling pareho pa rin sa dati ang sistema ng Pamantasan.

Students will be more free and lax (relaxed)… mas maluwag at open tayo to do anything we could do,” salaysay nito.

Ito ay siyang lalong napagtibay ng katagang binitiwan ng manunulat na si Gerald R. Ford, “History and experience tells us that moral progress comes not in comfortable and complacent times but out of trial and confusion.”

Naniniwala si Jurado na kailangan ang pag-unlad at pagbabago upang mas maging sibilisado ang mundo, mabuti man o hindi ang magiging epekto nito.

            “Kasi once na naging komportable ang tao sa isang bagay ng matagal.. they will unconsciously stretch that boundary which will eventually lead to something that would grow worse over time…to stop that from happening, kailangan din mag-adjust ng rules to fortify the growth of chaos.” dagdag nito.           

           

Simbolo ng Nakaraan

            Ang oras ay isang bagay na ‘di mapipigilan at di mapapabagal sa pag-usad. Ito ay isa lamang parte ng araw-araw na kailangang pakisamahan upang mas maging makabuluhan ang buhay.

            Sa 18-taon ng pagtuturo ng propesor sa Sikolohiya na si Maria Theresa del Rosario sa Far Eastern University ay nakita nito ang naging progreso ng Pamantasan sa maraming aspeto, kabilang na rito ang mga pasilidad, pamamahala ng administrasyon at mga estudyante noon sa panahon ngayon.

Dahil sa makabagong teknolohiya ay tila nalilimutan na ang tradisyon ng mano-manong paghahanap sa library ng mga kinakailangang impormasyon.

“I think we have better students before.. maybe because everything is already given to students (now).. if you want to learn, mamaya lang pwede mo na i-Google ‘yun e,” salaysay ni del Rosario.

Maliban sa mabilisang pangangalap ng impormasyon, ay ang hindi naiwasang pagbabago ng mga pag-uugali ng mga estudyante bagaman alam ng bawat isa ang mahal ng matrikulang ipinambabayad ng mga magulang.

“Parang ngayon.. it’s just normal (for students) to be dropping subjects,”  Dagdag nito.

Batid na hindi maaaring balikan ang nakaraan, ang tanging magagawa ay ang ipagpatuloy ang buhay at hintayin ang mga susunod na pangyayari. Mabuti man o masama ang naging epekto ng kasaysayan sa modernong panahon ay kailangang matutunan nating iwan ito sa isang pagkakataon para sa progresong nakalaan sa lahat.

 “…We cannot cling on to the past, the past will not make us change if we hold on to it…  your future, your goals, your dreams will direct your behavior, ‘yung past natin tapos na ‘yun eh. There will be so much things to do if we accept that there is so much the future has to offer.” Saad nito.

Natural ang pagkakaroon ng pagbabago upang mas umunlad ang isang sistema. Bagaman unti-unti nang naiiwan ang tradisyon at kulturang naging parte ng ngayon ay dala pa rin nito ang impluwensya ng kahapong naging pundasyon sa bawat direksyon tatahakin ng tao bukas.

 

 Published in the fourth volume of FEU Advocate’s TAMBayan, the official magazine of Far Eastern University’s official student publication.